Mga Kakaibang Random

INTERESTING REBLOGS|PERSONAL

Andrew Lacsa |21|Bisexual
Let's be friends, instead of hatin'. K?
If you wanna know more about me
Just ASK ME (^___^)


  • Ask Me..
  • Archive
  • Random
  • Typo
  • GPOY
  • Read More..
  • Funny Ones
  • Photography
  • Personal Stuff

  • Facebook
  • Twitter
  • “Maalala lang nila ako kapag may kailangan sila”

    Hindi mo masasabing user lang ang isang tao o kaibigan, kasi kung lagi mo silang kinakausap at kinukumusta, lagi ka din nilang kakausapin at malamang sa malamang, maalala ka nila lagi at hindi lang sa tuwing may kailangan sila.

    permalink 2 notes random thoughts yun lang bow!
  • May mga Tao ka talagang makikilala na magawan mo man sila ng kasalanan na hindi naman gaanong malaki, bibigyan at bibigyan ka pa din nila ng 2nd chance na makapag-explain kasi nga may pinasamahan naman kayo at alam niya naman na Tao ka din naman at nagkakamali din.

    May mga Tao ka din na makikilala na isang beses mo lang magawan ng kasalanan, hinding hindi ka na nila mapapag-katiwalaan, hindi ka na nila mapapatawad at hindi ka nila bibigyan pa ng pangalawang pagkakataon para makapag-paliwanag at ayusin ang nasira niyong pinagsamahan .

    permalink 1 note yun lang bow! mehehehe ang init pota T^T lalagnatin na ako sa init
  • Nalulungkot ka ba madalas? Yung parang bigla na lang magbabago ang mood mo? Kasi naman, wag ka makikinig ng Love Songs, RNB, at kung ano ano pa na malungkot na kanta at magpapa-alala sa’yo ng kung ano ano pang nakakalungkot. Pakinggan mo yung mga Party songs at Rock songs, tapos sabayan mo yung kanta, at i-try mo din iindak yung katawan mo sa tunog ng kanta. Oo mag-mumukha ka ngang tanga, pero at least nag-eenjoy ka at nakakaramdam ka ng saya diba? kesa naman mag-mukmok ka dyan ang mag-emo-emo, hindi ka yayaman dyan at hindi ka din mabubusog kapag naglungkot-lungkutan ka dyan.

    May tamang oras ang pag-e-emote, pag-dra-drama, at sa tamang tao din dapat mo gawin yun, sa kaibigan na talagang nakikinig at dinadamayan ka sa lahat ng pangyayari sa buhay mo.

    permalink 5 notes yun lang bow! mehehe mema
  • Gusto ko maranasan…

    Lahat tayo maraming gustong maranasan o makagawa ng kakaibang gawain na taliwas sa mga nakasanayan na natin araw araw sa buong buhay natin.

    • May mga humihiling na sana maranasan nila ma-in love sa tamang panahon, oras at tao.
    • May mga naghahangad na maranasan nila maging mayaman at maka-ahon sa hirap.
    • May mga gusto lang maging mas kakaiba o maging parang adventure ang buhay nila.
    permalink 2 notes yun lang bow! wow! gumaganito na naman ako
  • Trending

    Nakikiuso. Nakikigaya.

    Isa yan sa mga gusto ko minsan, kasi may mga nakakatawang Trending, may mga paulit-ulit pero hindi nakakasawa, meron naman, dahil nga laging Trending na yun nakaka-irita na at nakakasawa tapos madalas puro Anon na makikita mo na nagsasabing itigil na kasi nakaka-flood daw. Ang KJ nila.

    Payo ko lang, maki-Trend ka lang lagi, hindi man mapansin ang pag-reblog mo nun at least kahit pa paano naki-sali ka sa katuwaan ng lahat, diba?

    permalink 1 note yun lang bow! repost
  • *insert title here*

    Hindi na bago sa mga tao ang magalit o ang mainis lang, kasi hindi naman talaga pwede yung lagi tayong masaya, edi napag-kamalan na tayong baliw niyan, kailangan din natin makaramdam ng konting galit sa mundo, inis sa tao at galit sa mga bagay bagay na hindi umaayon sa gusto natin mangyari, pero, hindi tama yung papatulan mo yung tao kasi galit ka sa kaniya, pwera na lang kung masiyado ng personal yung sinasabi niya.

    permalink 1 note yun lang bow! DIBA? JGH pla
  • Aminin #001

    Aminin mo! Nung na-follow mo na ang mga sikat/famous dito sa Tumblr, nagpapakitang gilas ka para mapansin nila, minsan nagpapansin ka sa mga post nila, kasi ako, nagawa ko na yan pero naisip ko, na sobrang mali ang ginawa ko, kaya pinapabayaan ko na lang na, sila mismo ang maka-diskubre na, medyo worth to follow ako. Dapat lahat tayo mag-Blog na lang, kung may mga Idulo man, makipag-Kaibigan ka, pero dapat handa ka sa mga sasabihin ng mga follower/s niya sa’yo tapos naka-Anon pa na sasabihin “FEELING CLOSE SA FAMOUS PARA SUMIKAT DIN” at kung hindi mo kya, mag-Blog ka na lang at makipag-kaibigan ka na lang sa iba pang blogger, dapat din kasi may kakilala or kakulitan at the same time kaibigan sa Tumblr, para kapag may pinoproblema ka o pinagdadaanan, may mapapagsabihan ka at alam mo na makikinig siya/sila sa’yo kasi nga magkaibigan kayo.

    permalink 4 notes yun lang bow! AMININ MO! kaibigan!
  • Love now or Lost it forever.
I mean, ‘wag na maging choosy pa! Oo perfect siya para sa mata ng ibang Tao at sa standards mo pero ang tanong tatagal ba kayo? sa tingin mo lahat ng perfect-kuno seryoso sa relasyon? hindi lahat ganun, kaya ‘wag papadala sa Appearance mas okay pa din kilalanin kung anong ugali ng mamahalin mo bago mo ibigay ang lahat lahat (parang ALAM NA! kung ano yun haha) kasi diba, nagka-one night stand lang, mahal mo na agad? WOW HA! ang bilis naman! paano kung tinikman ka lang pla? aww kawawa ka naman.

    Love now or Lost it forever.

    I mean, ‘wag na maging choosy pa! Oo perfect siya para sa mata ng ibang Tao at sa standards mo pero ang tanong tatagal ba kayo? sa tingin mo lahat ng perfect-kuno seryoso sa relasyon? hindi lahat ganun, kaya ‘wag papadala sa Appearance mas okay pa din kilalanin kung anong ugali ng mamahalin mo bago mo ibigay ang lahat lahat (parang ALAM NA! kung ano yun haha) kasi diba, nagka-one night stand lang, mahal mo na agad? WOW HA! ang bilis naman! paano kung tinikman ka lang pla? aww kawawa ka naman.

    permalink 14 notes yun lang bow! ayoko mag-nose bleed kaya tagalog na lang hahahaha Love now Lost it forever
  • Move On!

    in tagalog “Patuloy sa paglakad” (sabi ni pareng google translate).

    Mabilis maka-move on kapag nagpaka-busy ka, Oo, texted and proven ko na yan at panigurado hindi lang ako, marami na din. Pero, kapag alam mong malapit lang siya sa’yo panigurado mahihirapan ka mag-move on kahit anong gawin mong pagka-busy sa sarili mo, tapos dagdagan pa ng pagmamahal mo sa kaniya na minsan nararamdaman mo pa rin kapag nakikita mo siya or naalala pero madalas nagpapaka-bitter ka lang para hindi mo na maalala pa yung hinayupak na nanakit sa puso at damdamin mo (diba?!) pero ang nakakalungkot na katotohanan ay wala naman talaga ang nakaka-move on, nakakalimot sa pagmamahal, meron, at siguro akala nila pagmo-move on na yun, okay na din yun diba? kesa naman makulong sila sa pagmamahal na nanakit na sa kanila ng grabe. 

    permalink 1 note yun lang bow! WOW! HA!? ang lalim ko EH NATATAE LANG AKO TENGENE! hahahahahahahahaha
  • Good Deeds

    Nakagawa ka na ba niyan? Gaano na kadami?

    Kapag ba nakakagawa tayo o yung nakakatulong tayo, kailangan ba bilangin? Alam ko sa sumbatan at away naglalabasam ang mga nagawang mabuti nila sa isa’t isa, pero tama ba yung tumulong ka na nga ng buong puso mo tapos isusumbat mo din pla, dapat hindi ganun, Kapag tutulong ka/tayo dapat bukal sa kalooban hindi bukal sa sumbatan.

    permalink 2 notes yun lang bow! good deeds magandang gawain sumbatan
  • Mga Mayayaman…

    • Taong OA na pero may ipinagmamalaki naman
    • Taong Humble pero may ipinagmamalaki din

    Ano pinagkaiba nila?

    Yung Una, Oo may karapatan siya ipagmalaki na mayaman sila/siya pero mapapansin mo din yung pagka-OA niya/nila lang pag-dating sa ganun na bagay in short SOBRANG YABANG.

    Yung Pangalawa, Mayaman siya pero hindi pinagsisigawan o ipinagkakalat na mataas ang estado niya sa buhay, marunong sila/siya makisama sa iba’t ibang klaseng tao, mapa-mayaman man o mahirap in short SOBRANG FRIENDLY.

    permalink 6 notes yun lang bow! sobrang yabang sobrang friendly
  • “Enjoy the little things”

    (a rule from the movie Zombie Land)

    like our Life, they said “Life is short”, so let’s just Enjoy it like there’s no tomorrow, like we don’t have any problem at all, like we don’t care what people think about us just to have fun and end the day with a feeling of having no doubt of feeling happy.

    Enjoy every simple moment with the people you wanted to have with you all the time.

    Appreciate little things that every single person done and had contribute to your life.

    and don’t forget to Smile, it’ll make you happy a bit and others maybe too.

    permalink 3 notes yun lang bow! NOSE BLEED NA NAMAN AKO!
Theme by Elevate Local and tweaked by Andoy — Powered by Tumblr